Tuesday, September 12, 2006

melo, ba't di natin nakita to... siguro, na-istak tayo sa skylab nya no? ano'ng klaseng title naman kasi yon?!

eniweys, Allan, kung mabasa mo man to... ang galing mo erp!!!

-----------------------------------------

Salamin
by Allan Popa

Lumingon ako at nakita ko ang sarili
Sa kuwadro ng isang malaking salamin
Matagal ko nang hindi tinitingnan
Ang sarili dahil sa abala ng paghahanap-
Buhay na naglalayo sa mga gawaing tulad
Ng pananalamin. Marahil, kung hindi ako
Hinarang ng isang salamin, hindi ako
Mapipilitang makipagkita sa sariling nasa
Loob ng salamin.Kumiling ako upang umiwas
Ngunit isang salamin ang muling tumambad.
Sa madaling salita, natagpuan ko ang sarili
Sa bulwagan ng mga salamin. Noon ko
Nadama ang sinasabing pagnanais magising
Sa isang panaginip. Hindi ko tiyak kung ako
Ang nasa salamin o kung ako ang nananalamin.
Hindi ako makaalpas! Alam kong ang landas
Palabas ng bulwagan ny nagkukubli sa loob
O likod ng salaming kailangan ng basagin.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home