"Ang paglaki ay pagtuklas ng iba't ibang laro, pagkadapa at pagkagasgas at pagkatalo't pagkatuto... unti-unti nakikita mong may iba't ibang mukha ang mga tao, isa-isa'y matutunugan mo ang iba't ibang kahulugan ng mga ingay at tinig. Sa paglaki, napapansin mong may mga tanong na mahirap sagutin, at may mga utos na mahirap sundin. Higit sa lahat, natutuklasan mo na habang naririnig mo ang mga sagot, lalong dumarami ang naisip mong mga tanong... mula tiyan hanggang duyan, mula bahay hanggang eskuwelahan, pagkatuklas na sa labas pala nito'y maraming mapag-aaralan.. Lahat ng dapat niyang matututunan ngayon pa lang.... hindi pagkamasunurin at pagkakimi... kundi pagkibo kung may sasabihin at paglaban pag kailangan... lahat ng panahon ay hindi panahon para sa takot at pagtitimpi... lahat ng panahon ay panahon ng pagpapasya..."
-Lualhati Bautista
-Lualhati Bautista
0 Comments:
Post a Comment
<< Home