Wednesday, October 14, 2009

Ever since I don't know when, I have been pro-poor. At an earlier time though, I was religious. But recently, in the act of "coming-full-circle" I began a search in a synthesis of some sort which includes both facets of my life.

How I can describe my state is through a prayer-song I nowadays keep... here it goes.

PS. for the actual song, here's the link (sorry, am having a hard time embedding it); the music is beautiful, it accompanies the lyrics well:
http://www.imeem.com/people/qBifFz/music/hqETzwZB/grupong-pendong-dinggin-mo-sana/

------------------------------


Dinggin Mo Sana
by Ang Grupong Pendong

Dinggin mo sana
Dinggin ang daing
O panginoon ng mga abang sawi
O panginoon ng katarungan

Ang kasakiman
At karahasan
Ang naghahari
Ang pag-asang nahasik
Sa mga puso ay binuhawi

Ang bigay ninyong yaman
Sa aba ay pinagkait
May hapis sa kabila ng kasaganahan
Mga batang laman ng lansangan
Sikmurang walang laman
Habang iba ay bingi sa kabusugan

Dinggin mo sana
Dinggin ang hibik
Ng mga dukha na gutom sa pagibig
At uhaw na uhaw sa katarungan

Dinggin mo sana…
Dinggin ang daing…
Dinggin mo sana.




9 Comments:

At 7:35 AM, Blogger graziella said...

at yan ang kahanga-hanga sa yo- ang pagiging maka-mahirap, maka-tao at ang lubos na pagmamahal mo sa Pilipinas.....may pag-asa pa na pakikinggan ng maykapal ang daing ng mga mahihirap......:)

 
At 9:54 PM, Anonymous Anonymous said...

naalala ko tuloy iyong panahon na nakaranas ako ng gutom....umikot paningin ko...tapos tanong ako sa Panginoon,"bakit po ganito?" sabi Niya,"next time na kakain ka ng skyflakes, sabayan mo na rin ng royal-true-orange!"

 
At 1:14 AM, Blogger kauban said...

Coke sa akin Aling Puring!!!

 
At 1:18 AM, Blogger kauban said...

Naku! Di pala pwede'ng Coke, katulad ng Nestle. Pepsi na lang.

 
At 7:31 AM, Blogger graziella said...

royal true orange!

 
At 7:57 AM, Blogger graziella said...

ay, nga pala, played the Grupong Pendong CD without looking at the cover and viola, kasali pala tong song na to! Ganda! Salamat.....dahil akiy muling nakilala ang musika ng Asin at Grupong Pendong.....

.....egg sandwich sa SC!

 
At 9:26 AM, Anonymous melagladdie said...

sensya na po, wala pong pepsi at coke si aling puring, mahal kasi. SARSI meron....at least kalasa ng rootbeer, he he he he. sosyal pa rin si aling puring! dagdagan mo na rin daw ng itlog, pangpalakas ng tuhod!

 
At 10:13 AM, Anonymous pablita said...

di ba balut and pampalakas ng tuhod?

 
At 3:13 PM, Anonymous melagladdie said...

sa simpleng probinsya kasi namin, inihahalo ang itlog sa sarsi at iyon.....lumalakas ng ang tuhod namin! mahal kasi ang balut. pero kung afford naman ang balut, puede na rin siguro, pero, never tried. kasi parang dyahe, sarsi na may konting pakpak at paa at ngipin ng sisiw......aling puring....tubig na lang po sa akin!!!!!!

 

Post a Comment

<< Home